Quran with Filipino translation - Surah Al-Fath ayat 29 - الفَتح - Page - Juz 26
﴿مُّحَمَّدٞ رَّسُولُ ٱللَّهِۚ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ أَشِدَّآءُ عَلَى ٱلۡكُفَّارِ رُحَمَآءُ بَيۡنَهُمۡۖ تَرَىٰهُمۡ رُكَّعٗا سُجَّدٗا يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٗاۖ سِيمَاهُمۡ فِي وُجُوهِهِم مِّنۡ أَثَرِ ٱلسُّجُودِۚ ذَٰلِكَ مَثَلُهُمۡ فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِۚ وَمَثَلُهُمۡ فِي ٱلۡإِنجِيلِ كَزَرۡعٍ أَخۡرَجَ شَطۡـَٔهُۥ فَـَٔازَرَهُۥ فَٱسۡتَغۡلَظَ فَٱسۡتَوَىٰ عَلَىٰ سُوقِهِۦ يُعۡجِبُ ٱلزُّرَّاعَ لِيَغِيظَ بِهِمُ ٱلۡكُفَّارَۗ وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنۡهُم مَّغۡفِرَةٗ وَأَجۡرًا عَظِيمَۢا ﴾
[الفَتح: 29]
﴿محمد رسول الله والذين معه أشداء على الكفار رحماء بينهم تراهم ركعا﴾ [الفَتح: 29]
Islam House Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng isang kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang pagkakalarawan sa kanila sa Torah. Ang pagkakalarawan naman sa kanila sa Ebanghelyo ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, saka pinalakas nito iyon, saka kumapal iyon, saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan |