×

Katotohanang Aming ipinanaog ang Torah (ang mga Batas kay Moises), naririto ang 5:44 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Ma’idah ⮕ (5:44) ayat 44 in Filipino

5:44 Surah Al-Ma’idah ayat 44 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 44 - المَائدة - Page - Juz 6

﴿إِنَّآ أَنزَلۡنَا ٱلتَّوۡرَىٰةَ فِيهَا هُدٗى وَنُورٞۚ يَحۡكُمُ بِهَا ٱلنَّبِيُّونَ ٱلَّذِينَ أَسۡلَمُواْ لِلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلۡأَحۡبَارُ بِمَا ٱسۡتُحۡفِظُواْ مِن كِتَٰبِ ٱللَّهِ وَكَانُواْ عَلَيۡهِ شُهَدَآءَۚ فَلَا تَخۡشَوُاْ ٱلنَّاسَ وَٱخۡشَوۡنِ وَلَا تَشۡتَرُواْ بِـَٔايَٰتِي ثَمَنٗا قَلِيلٗاۚ وَمَن لَّمۡ يَحۡكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ ﴾
[المَائدة: 44]

Katotohanang Aming ipinanaog ang Torah (ang mga Batas kay Moises), naririto ang patnubay at liwanag, na sa pamamagitan nito ang mga Propeta na nagsuko ng kanilang sarili sa Kalooban ni Allah ay humatol sa mga Hudyo. At ang mga Rabbi at mga pari (ay humatol rin sa mga Hudyo sa pamamagitan ng Torah [mga Batas] makaraan ang mga Propetang ito), sapagkat sa kanila ay ipinagkatiwala ang pangangalaga sa Aklat ni Allah, at sila ay mga saksi rito. Kaya’t sila ay huwag ninyong katakutan, datapuwa’t Ako ay inyong pangambahan (O mga Hudyo) at huwag ninyong ipagbili ang Aking mga Talata sa murang halaga. At kung sinuman ang hindi humatol ng ayon sa kapahayagan ni Allah, sila ang Kafirun (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya, – na may mababang antas dahilan sa hindi sila gumagawa ng ayon sa Batas ni Allah)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: إنا أنـزلنا التوراة فيها هدى ونور يحكم بها النبيون الذين أسلموا للذين, باللغة الفلبينية

﴿إنا أنـزلنا التوراة فيها هدى ونور يحكم بها النبيون الذين أسلموا للذين﴾ [المَائدة: 44]

Islam House
Tunay na Kami ay nagpababa ng Torah, na doon ay may patnubay at liwanag. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta na mga nagpasakop para sa mga nagpakahudyo, at ang mga rabbi, at ang mga pantas sa pamamagitan ng pinaingatan sa kanila mula sa Kasulatan ni Allāh. Sila noon doon ay mga saksi. Kaya huwag kayong matakot sa mga tao at matakot kayo sa Akin. Huwag kayong magtinda sa mga tanda Ko sa kakaunting halaga. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek