Quran with Filipino translation - Surah Al-Mujadilah ayat 8 - المُجَادلة - Page - Juz 28
﴿أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نُهُواْ عَنِ ٱلنَّجۡوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُواْ عَنۡهُ وَيَتَنَٰجَوۡنَ بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَمَعۡصِيَتِ ٱلرَّسُولِۖ وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوۡكَ بِمَا لَمۡ يُحَيِّكَ بِهِ ٱللَّهُ وَيَقُولُونَ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ لَوۡلَا يُعَذِّبُنَا ٱللَّهُ بِمَا نَقُولُۚ حَسۡبُهُمۡ جَهَنَّمُ يَصۡلَوۡنَهَاۖ فَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ ﴾
[المُجَادلة: 8]
﴿ألم تر إلى الذين نهوا عن النجوى ثم يعودون لما نهوا عنه﴾ [المُجَادلة: 8]
Islam House Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng hindi ibinati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: “Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?” Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan |