Quran with Filipino translation - Surah Al-hashr ayat 7 - الحَشر - Page - Juz 28
﴿مَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ كَيۡ لَا يَكُونَ دُولَةَۢ بَيۡنَ ٱلۡأَغۡنِيَآءِ مِنكُمۡۚ وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمۡ عَنۡهُ فَٱنتَهُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ ﴾
[الحَشر: 7]
﴿ما أفاء الله على رسوله من أهل القرى فلله وللرسول ولذي القربى﴾ [الحَشر: 7]
Islam House Ang anumang ipinakumpika ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo], mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa |