×

At Kami ang nagtalaga ng mga anghel bilang tagapagbantay ng Apoy, at 74:31 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Muddaththir ⮕ (74:31) ayat 31 in Filipino

74:31 Surah Al-Muddaththir ayat 31 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Muddaththir ayat 31 - المُدثر - Page - Juz 29

﴿وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ ﴾
[المُدثر: 31]

At Kami ang nagtalaga ng mga anghel bilang tagapagbantay ng Apoy, at Aming itinakda lamang ang kanilang dami (19) bilang isang pagsubok sa mga hindi nananampalataya, - upang ang mga tao ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay dumatal sa katiyakan (na ang Qur’an ay katotohanan na umaayon sa kanilang mga Aklat, alalaong baga, ang kanilang bilang [19] ay nasusulat sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), at upang ang mga sumasampalataya ay lalong mag-ibayo sa Pananalig 922 (sapagkat ang Qur’an ang katotohanan), - at upang ang mga tao ng Angkan ng Kasulatan at ang mga sumasampalataya ay hindi mag-alinlangan dito, at ang mga tao na ang laman ng kanilang puso ay isang sakit (ng pagkukunwari) at ang mga hindi nananampalataya ay makapagsabi: “Ano baga ang ibig ipakahulugan ni Allah sa pamamagitan nito? Kaya’t si Allah ang umaakay na mapaligaw ang sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan. At walang sinuman ang nakakatalos ng mga kapangyarihan ng iyong Panginoon maliban sa Kanya. At ito (Impiyerno) ay wala ng iba pa maliban na isang Paala-ala (babala at tagubilin) sa sangkatauhan

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وما جعلنا أصحاب النار إلا ملائكة وما جعلنا عدتهم إلا فتنة للذين, باللغة الفلبينية

﴿وما جعلنا أصحاب النار إلا ملائكة وما جعلنا عدتهم إلا فتنة للذين﴾ [المُدثر: 31]

Islam House
At hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban pa sa mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya, upang makatiyak ang mga binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: "Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?" Gayon nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek