×

At huwag ninyong pangasawahin ang Al-Mushrikah (walang pananampalatayang babae kay Allah, pagano, 2:221 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:221) ayat 221 in Filipino

2:221 Surah Al-Baqarah ayat 221 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 221 - البَقَرَة - Page - Juz 2

﴿وَلَا تَنكِحُواْ ٱلۡمُشۡرِكَٰتِ حَتَّىٰ يُؤۡمِنَّۚ وَلَأَمَةٞ مُّؤۡمِنَةٌ خَيۡرٞ مِّن مُّشۡرِكَةٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَتۡكُمۡۗ وَلَا تُنكِحُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤۡمِنُواْۚ وَلَعَبۡدٞ مُّؤۡمِنٌ خَيۡرٞ مِّن مُّشۡرِكٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَكُمۡۗ أُوْلَٰٓئِكَ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَٱللَّهُ يَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلۡجَنَّةِ وَٱلۡمَغۡفِرَةِ بِإِذۡنِهِۦۖ وَيُبَيِّنُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ ﴾
[البَقَرَة: 221]

At huwag ninyong pangasawahin ang Al-Mushrikah (walang pananampalatayang babae kay Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katiyakan, ang isang aliping babae na nananampalataya ay higit na mainam sa isang (malaya) datapuwa’t walang pananampalatayang babae kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Huwag din ninyong ipangasawa ang inyong kababaihan sa Al- Mushrikun (walang pananampalatayang lalaki kay Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katotohanan, ang isang nananampalatayang lalaki ay higit na mainam kaysa sa isang (malaya), ngunit walang pananampalatayang lalaki, kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Ang mga mapagsamba sa diyus-diyosan (Al-Mushrikun) ay nag- aanyaya sa inyo sa Apoy, datapuwa’t si Allah ay nag-aanyaya (sa inyo) sa Paraiso at Pagpapatawad ayon sa Kanyang Kapasiyahan at ginawa Niyang maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa sangkatauhan upang sila ay tumanggap ng paala-ala

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ولا تنكحوا المشركات حتى يؤمن ولأمة مؤمنة خير من مشركة ولو أعجبتكم, باللغة الفلبينية

﴿ولا تنكحوا المشركات حتى يؤمن ولأمة مؤمنة خير من مشركة ولو أعجبتكم﴾ [البَقَرَة: 221]

Islam House
Huwag kayong magpakasal sa mga babaing tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang babaing aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang babaing tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Huwag ninyong ipakasal [ang kababaihan ninyo] sa mga lalaking tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang lalaking tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga iyon ay nag-aanyaya tungo sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa Paraiso at kapatawaran ayon sa pahintulot Niya. Naglilinaw Siya sa mga tanda Niya sa mga tao, nang sa gayon sila ay magsasaalaala
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek