Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 229 - البَقَرَة - Page - Juz 2
﴿ٱلطَّلَٰقُ مَرَّتَانِۖ فَإِمۡسَاكُۢ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ تَسۡرِيحُۢ بِإِحۡسَٰنٖۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَأۡخُذُواْ مِمَّآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ شَيۡـًٔا إِلَّآ أَن يَخَافَآ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَا فِيمَا ٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَعۡتَدُوهَاۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ ﴾
[البَقَرَة: 229]
﴿الطلاق مرتان فإمساك بمعروف أو تسريح بإحسان ولا يحل لكم أن تأخذوا﴾ [البَقَرَة: 229]
Islam House Ang [magkakabalikang] diborsiyo ay dalawang ulit, kaya pagpapanatili ayon sa nakabubuti o pagpapalaya ayon sa pagmamagandang-loob. Hindi ipinahihintulot para sa inyo na kumuha kayo mula sa ibinigay ninyo sa kanila na anuman maliban na mangamba silang dalawa na hindi silang dalawa makapagpanatili sa mga hangganan ni Allāh. Kaya kung nangangamba kayo na hindi silang dalawa makapagpanatili sa mga hangganan ni Allāh, walang maisisisi sa kanilang dalawa kaugnay sa pagtubos [ng maybahay sa sarili]. Iyon ay mga hangganan ni Allāh kaya huwag kayong lumabag sa mga iyon. Ang sinumang lumampas sa mga hangganan ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan |