×

walang sinumang kaluluwa ang binigyan ni Allah ng pasanin na hindi niya 2:286 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:286) ayat 286 in Filipino

2:286 Surah Al-Baqarah ayat 286 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 286 - البَقَرَة - Page - Juz 3

﴿لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَعَلَيۡهَا مَا ٱكۡتَسَبَتۡۗ رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذۡنَآ إِن نَّسِينَآ أَوۡ أَخۡطَأۡنَاۚ رَبَّنَا وَلَا تَحۡمِلۡ عَلَيۡنَآ إِصۡرٗا كَمَا حَمَلۡتَهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِنَاۚ رَبَّنَا وَلَا تُحَمِّلۡنَا مَا لَا طَاقَةَ لَنَا بِهِۦۖ وَٱعۡفُ عَنَّا وَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَآۚ أَنتَ مَوۡلَىٰنَا فَٱنصُرۡنَا عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ ﴾
[البَقَرَة: 286]

walang sinumang kaluluwa ang binigyan ni Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin. Ito ay magtatamasa ng bawat kabutihan na kanyang kinita at magdurusa rin naman sa bawat masama na kanyang kinita. (Magsipanalangin): “Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong parusahan kung kami ay makalimot o masadlak sa kamalian, aming Panginoon! Huwag Ninyong ipapasan sa amin ang pabigat na Inyong iniatang sa mga nangauna sa amin (mga Hudyo at Kristiyano); aming Panginoon! Huwag Ninyong iatang sa amin ang pabigat na higit sa aming makakaya. Inyong patawarin kami at pagkalooban kami ng pagpapatawad. Kami ay Inyong kahabagan. Kayo po ang aming Maula (Tagapangalaga, Tagapagbantay, Tagapagtaguyod); kami ay gawaran Ninyo ng tagumpay laban sa mga tao na walang pananampalataya

❮ Previous Next ❯

ترجمة: لا يكلف الله نفسا إلا وسعها لها ما كسبت وعليها ما اكتسبت, باللغة الفلبينية

﴿لا يكلف الله نفسا إلا وسعها لها ما كسبت وعليها ما اكتسبت﴾ [البَقَرَة: 286]

Islam House
Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang kinamit nito at laban dito ang nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang manisi sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami. Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga nauna pa sa amin. Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon. Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin. Ikaw ay Tagapagtangkilik namin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek