×

At alalahanin nang inyong sabihin: “O Moises! Hindi namin kayang pagtiyagaan ang 2:61 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:61) ayat 61 in Filipino

2:61 Surah Al-Baqarah ayat 61 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 61 - البَقَرَة - Page - Juz 1

﴿وَإِذۡ قُلۡتُمۡ يَٰمُوسَىٰ لَن نَّصۡبِرَ عَلَىٰ طَعَامٖ وَٰحِدٖ فَٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُخۡرِجۡ لَنَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۢ بَقۡلِهَا وَقِثَّآئِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَاۖ قَالَ أَتَسۡتَبۡدِلُونَ ٱلَّذِي هُوَ أَدۡنَىٰ بِٱلَّذِي هُوَ خَيۡرٌۚ ٱهۡبِطُواْ مِصۡرٗا فَإِنَّ لَكُم مَّا سَأَلۡتُمۡۗ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ وَٱلۡمَسۡكَنَةُ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ ﴾
[البَقَرَة: 61]

At alalahanin nang inyong sabihin: “O Moises! Hindi namin kayang pagtiyagaan ang isang uri ng pagkain (lamang); kaya’t manawagan ka sa iyong Panginoon patungkol sa amin upang magpasibol ng maaaring tumubo sa lupa, (tulad ng) mga herba, pipino, bawang, lentil at sibuyas.” Siya (Moises) ay nagsabi: “Ipagpapalit ba ninyo ang mainam sa mababang (uri)? Magsihayo kayo sa anumang bayan at inyong masusumpungan ang inyong ninanais!” At sila ay nalambungan ng kahihiyan at kapighatian; hinatak nila sa kanilang sarili ang Poot ni Allah. Ito’y sa dahilang sila ay nagtatakwil sa Ayat (aral, kapahayagan, katibayan, tanda, atbp.) ni Allah at pumatay sa Kanyang mga Tagapagbalita ng walang katuwiran. Ito’y sa dahilang sila ay naghimagsik at nagpatuloy sa pagsuway

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وإذ قلتم ياموسى لن نصبر على طعام واحد فادع لنا ربك يخرج, باللغة الفلبينية

﴿وإذ قلتم ياموسى لن نصبر على طعام واحد فادع لنا ربك يخرج﴾ [البَقَرَة: 61]

Islam House
[Banggitin] noong nagsabi kayo: "O Moises, hindi kami makatitiis sa nag-iisang [pares ng] pagkain; kaya manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalabas Siya para sa amin ng pinatutubo ng lupa gaya ng mga halaman nito, mga pipino nito, mga bawang nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito." Nagsabi siya: "Magpapalit ba kayo ng higit na hamak sa higit na mabuti? Bumaba kayo sa isang kabayanan sapagkat tunay na ukol sa inyo ang hiningi ninyo." Itinatak sa kanila ang kaabahan at ang karukhaan at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta ayon nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila, at sila noon ay lumalabag
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek