×

At magsikap nang taos tungo sa Kapakanan ni Allah, kung paano kayo 22:78 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-hajj ⮕ (22:78) ayat 78 in Filipino

22:78 Surah Al-hajj ayat 78 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-hajj ayat 78 - الحج - Page - Juz 17

﴿وَجَٰهِدُواْ فِي ٱللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِۦۚ هُوَ ٱجۡتَبَىٰكُمۡ وَمَا جَعَلَ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلدِّينِ مِنۡ حَرَجٖۚ مِّلَّةَ أَبِيكُمۡ إِبۡرَٰهِيمَۚ هُوَ سَمَّىٰكُمُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ مِن قَبۡلُ وَفِي هَٰذَا لِيَكُونَ ٱلرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيۡكُمۡ وَتَكُونُواْ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِۚ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱعۡتَصِمُواْ بِٱللَّهِ هُوَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ فَنِعۡمَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَنِعۡمَ ٱلنَّصِيرُ ﴾
[الحج: 78]

At magsikap nang taos tungo sa Kapakanan ni Allah, kung paano kayo dapat magsikap (ng may katapatan at ng lahat ninyong lakas upang ang Kanyang Ngalan ay maging Tampok). Kayo ay hinirang Niya (upang iparating ang Kanyang Mensahe ng Islam at Kanyang Kaisahan), at hindi Niya iginawad sa inyong relihiyon ang anumang pagbabata, ito ang relihiyon ng inyong amang si Abraham (ang pagiging Isa ni Allah sa Islam). Siya (Allah) ang nagbigay sa inyo ng katawagang Muslim, na magkatulad maging noon at maging ngayon (sa Qur’an), upang ang Tagapagbalita (na si Muhammad) ay maging saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa sangkatauhan! Kaya’t magsipag-alay kayo ng Salah (takdang panalangin) nang ganap at mahinusay, magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at manangan nang mahigpit kay Allah (alalaong baga, ng may pagtitiwala sa Kanya na ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang paghahawak). Siya ang inyong Maula (Patron, Panginoon, atbp.), at gaano (Siya) Kainam na Maula (Patron, Panginoon, atbp.), tunay na Siya ay Kapuri-puring Tagalingap

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وجاهدوا في الله حق جهاده هو اجتباكم وما جعل عليكم في الدين, باللغة الفلبينية

﴿وجاهدوا في الله حق جهاده هو اجتباكم وما جعل عليكم في الدين﴾ [الحج: 78]

Islam House
Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpasanggalang kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek