×

At makaraan ang panganib, Siya ay nagpapanaog ng kapanatagan sa inyo. Ang 3:154 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah al-‘Imran ⮕ (3:154) ayat 154 in Filipino

3:154 Surah al-‘Imran ayat 154 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah al-‘Imran ayat 154 - آل عِمران - Page - Juz 4

﴿ثُمَّ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنۢ بَعۡدِ ٱلۡغَمِّ أَمَنَةٗ نُّعَاسٗا يَغۡشَىٰ طَآئِفَةٗ مِّنكُمۡۖ وَطَآئِفَةٞ قَدۡ أَهَمَّتۡهُمۡ أَنفُسُهُمۡ يَظُنُّونَ بِٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ ظَنَّ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِۖ يَقُولُونَ هَل لَّنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ مِن شَيۡءٖۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَمۡرَ كُلَّهُۥ لِلَّهِۗ يُخۡفُونَ فِيٓ أَنفُسِهِم مَّا لَا يُبۡدُونَ لَكَۖ يَقُولُونَ لَوۡ كَانَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٞ مَّا قُتِلۡنَا هَٰهُنَاۗ قُل لَّوۡ كُنتُمۡ فِي بُيُوتِكُمۡ لَبَرَزَ ٱلَّذِينَ كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَتۡلُ إِلَىٰ مَضَاجِعِهِمۡۖ وَلِيَبۡتَلِيَ ٱللَّهُ مَا فِي صُدُورِكُمۡ وَلِيُمَحِّصَ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ﴾
[آل عِمران: 154]

At makaraan ang panganib, Siya ay nagpapanaog ng kapanatagan sa inyo. Ang antok ay nakapanaig sa isang pangkat sa inyo, samantalang ang ibang pangkat ay nag-iisip ng tungkol sa kanilang sarili (kung paano sila makakaligtas, at hindi nagmamalasakit sa iba pa at sa Propeta) at nag- iisip ng mali tungkol kay Allah, – ang kaisipan ng kawalang kaalaman. Sila ay nagsabi, “Kami ba ay mayroong anumang bahagi sa pangyayari?” Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanang si Allah ang may pag-aangkin sa lahat ng pangyayari.” Itinatago nila sa kanilang sarili ang bagay na wala silang lakas ng loob na ilantad sa iyo, na nagsasabi: “Kung kami ay walang dapat gawin sa pangyayari, walang sinuman sa amin ang masasawi rito.” Ipagbadya: “Kahit na kayo ay namalagi sa inyong tahanan, ang mga itinalaga na mamatay, (sila) ay katiyakang patutungo sa pook ng kanilang kamatayan,” ngunit upang masubukan ni Allah kung ano ang laman ng kanilang puso at Mahis-in (subukan, dalisayin, maibsan) ang mga bagay na nasa inyong puso (mga kasalanan), at si Allah ang Ganap na Nakakatalos kung ano ang nasa (inyong) dibdib

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ثم أنـزل عليكم من بعد الغم أمنة نعاسا يغشى طائفة منكم وطائفة, باللغة الفلبينية

﴿ثم أنـزل عليكم من بعد الغم أمنة نعاسا يغشى طائفة منكم وطائفة﴾ [آل عِمران: 154]

Islam House
Pagkatapos nagpababa Siya sa inyo, nang matapos ng hapis, ng isang katiwasayan na isang antok na bumabalot sa isang pangkatin kabilang sa inyo samantalang may isang pangkatin naman na nagpabalisa nga sa kanila ang mga sarili nila, na nagpapalagay kay Allāh ng hindi totoo, na pagpapalagay ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsasabi sila: "May ukol kaya sa atin mula sa usapin na anuman?" Sabihin mo: "Tunay na ang usapin sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh." Nagkukubli sila sa mga sarili nila ng hindi nila inilalantad sa iyo. Nagsasabi sila: "Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito." Sabihin mo: "Kung sakaling kayo noon ay nasa mga bahay ninyo ay talaga sanang natampok ang mga itinakda sa kanila ang pagkapatay tungo sa mga pagpapaslangan sa kanila." [Ito ay] upang sumubok si Allāh sa nasa mga dibdib ninyo at upang sumala Siya sa nasa mga puso ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek