×

At (gunitain) nang kunin ni Allah ang Kasunduan ng mga Propeta na 3:81 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah al-‘Imran ⮕ (3:81) ayat 81 in Filipino

3:81 Surah al-‘Imran ayat 81 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah al-‘Imran ayat 81 - آل عِمران - Page - Juz 3

﴿وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ لَمَآ ءَاتَيۡتُكُم مِّن كِتَٰبٖ وَحِكۡمَةٖ ثُمَّ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مُّصَدِّقٞ لِّمَا مَعَكُمۡ لَتُؤۡمِنُنَّ بِهِۦ وَلَتَنصُرُنَّهُۥۚ قَالَ ءَأَقۡرَرۡتُمۡ وَأَخَذۡتُمۡ عَلَىٰ ذَٰلِكُمۡ إِصۡرِيۖ قَالُوٓاْ أَقۡرَرۡنَاۚ قَالَ فَٱشۡهَدُواْ وَأَنَا۠ مَعَكُم مِّنَ ٱلشَّٰهِدِينَ ﴾
[آل عِمران: 81]

At (gunitain) nang kunin ni Allah ang Kasunduan ng mga Propeta na nagsasabi: “Kunin ninyo kung anuman ang Aking ibigay sa inyo mula sa Aklat ng Al-Hikmah (pang- unawa sa mga Batas ni Allah, atbp.), hindi magtatagal ay mayroong darating sa inyo na isang Tagapagbalita (Muhammad) na magpapatotoo kung ano ang nasa inyo; nararapat na kayo ay maniwala sa kanya at tulungan siya.” Si Allah ay nagwika: “Kayo ba ay sumasang-ayon (dito) at inyo bang kukunin ang Aking Kasunduan (na Aking pinagtibay sa inyo)?” Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasang-ayon.” Siya (Allah) ay nagwika: “Kung gayon, kayo ay magpatotoo; at Ako ay nasa sa inyo sa lipon ng mga sumasaksi (para rito).”

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وإذ أخذ الله ميثاق النبيين لما آتيتكم من كتاب وحكمة ثم جاءكم, باللغة الفلبينية

﴿وإذ أخذ الله ميثاق النبيين لما آتيتكم من كتاب وحكمة ثم جاءكم﴾ [آل عِمران: 81]

Islam House
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga propeta, [na nagsasaad]: "Talagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapagpatotoo sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito." Nagsabi Siya: "Kumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?" Nagsabi sila: "Kumilala kami." Nagsabi Siya: "Kaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek