Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 12 - النِّسَاء - Page - Juz 4
﴿۞ وَلَكُمۡ نِصۡفُ مَا تَرَكَ أَزۡوَٰجُكُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهُنَّ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَهُنَّ وَلَدٞ فَلَكُمُ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡنَۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِينَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۚ وَلَهُنَّ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡتُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّكُمۡ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَكُمۡ وَلَدٞ فَلَهُنَّ ٱلثُّمُنُ مِمَّا تَرَكۡتُمۚ مِّنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ تُوصُونَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۗ وَإِن كَانَ رَجُلٞ يُورَثُ كَلَٰلَةً أَوِ ٱمۡرَأَةٞ وَلَهُۥٓ أَخٌ أَوۡ أُخۡتٞ فَلِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُۚ فَإِن كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِن ذَٰلِكَ فَهُمۡ شُرَكَآءُ فِي ٱلثُّلُثِۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصَىٰ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍ غَيۡرَ مُضَآرّٖۚ وَصِيَّةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَلِيمٞ ﴾
[النِّسَاء: 12]
﴿ولكم نصف ما ترك أزواجكم إن لم يكن لهن ولد فإن كان﴾ [النِّسَاء: 12]
Islam House Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila nang matapos ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin nila o ng [pambayad sa] isang utang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo nang matapos ng [pagkaltas ng] ng isang tagubiling isinasatagubilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang. Kung ang isang lalaki o isang babaing nagpapamana ay walang anak ni magulang at mayroon siyang isang kapatid na lalaki o isang kapatid na babae, ukol sa bawat isa sa dalawa ang ikaanim; ngunit kung sila ay higit kaysa roon, sila ay magkakahati sa ikatlo nang matapos ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin o ng [pambayad sa] isang utang, nang hindi pumipinsala, bilang tagubilin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Matimpiin |