×

Si Allah ay nag-uutos sa inyo tungkol (sa mamanahin) ng inyong mga 4:11 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:11) ayat 11 in Filipino

4:11 Surah An-Nisa’ ayat 11 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 11 - النِّسَاء - Page - Juz 4

﴿يُوصِيكُمُ ٱللَّهُ فِيٓ أَوۡلَٰدِكُمۡۖ لِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۚ فَإِن كُنَّ نِسَآءٗ فَوۡقَ ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَۖ وَإِن كَانَتۡ وَٰحِدَةٗ فَلَهَا ٱلنِّصۡفُۚ وَلِأَبَوَيۡهِ لِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِن كَانَ لَهُۥ وَلَدٞۚ فَإِن لَّمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلَدٞ وَوَرِثَهُۥٓ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ ٱلثُّلُثُۚ فَإِن كَانَ لَهُۥٓ إِخۡوَةٞ فَلِأُمِّهِ ٱلسُّدُسُۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِي بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍۗ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ لَا تَدۡرُونَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ لَكُمۡ نَفۡعٗاۚ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا ﴾
[النِّسَاء: 11]

Si Allah ay nag-uutos sa inyo tungkol (sa mamanahin) ng inyong mga anak: sa lalaki, ang kanyang bahagi ay katumbas ng sa dalawang babae; kung mga babae lamang ang anak, dalawa o higit pa, ang kanilang bahagi ay dalawang katlo (2/3) ng pamana; kung nag-iisa lamang, ang sa kanya (tanging babae) ay kalahati. Sa mga magulang, ay isang bahagi ng anim (1/6) sa bawat isa, kung ang namatay ay nakaiwan ng mga anak; at kung walang anak at ang mga magulang lamang ang (tanging) tagapagmana, ang ina ay may isang katlo (1/3); kung ang namatay ay nakaiwan ng mga kapatid na lalaki (o babae), ang ina ay may isang bahagi ng anim (1/6). (Ang pagbabaha-bahagi sa lahat ng ito) ay matapos na mabayaran ang pabuya na kanyang inihandog (sa kawanggawa) at mga pagkakautang. Hindi ninyo batid kung sino sa kanila, maging (sila man) ay inyong magulang at mga anak, ang pinakamalapit sa inyo sa kapakinabangan, kaya’t (ang natatakdaang paghahati-hati) ay ipinag-utos ni Allah. At si Allah ang Lalagi nang Ganap na Nakakaalam ng lahat, ang Tigib ng Karunungan

❮ Previous Next ❯

ترجمة: يوصيكم الله في أولادكم للذكر مثل حظ الأنثيين فإن كن نساء فوق, باللغة الفلبينية

﴿يوصيكم الله في أولادكم للذكر مثل حظ الأنثيين فإن كن نساء فوق﴾ [النِّسَاء: 11]

Islam House
Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati. Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak. Ngunit kung hindi siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo. Ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim nang matapos ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin niya o ng [pambayad sa] isang utang. Ang mga magulang ninyo at ang mga anak ninyo ay hindi kayo nakababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit para sa inyo sa pakinabang. [Ang paghahating ito ay] isang tungkulin mula kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek