×

At kung sinuman sa inyo ang walang kakayahan upang magpakasal sa isang 4:25 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:25) ayat 25 in Filipino

4:25 Surah An-Nisa’ ayat 25 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 25 - النِّسَاء - Page - Juz 5

﴿وَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ مِنكُمۡ طَوۡلًا أَن يَنكِحَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ فَمِن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن فَتَيَٰتِكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِكُمۚ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ فَٱنكِحُوهُنَّ بِإِذۡنِ أَهۡلِهِنَّ وَءَاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِ مُحۡصَنَٰتٍ غَيۡرَ مُسَٰفِحَٰتٖ وَلَا مُتَّخِذَٰتِ أَخۡدَانٖۚ فَإِذَآ أُحۡصِنَّ فَإِنۡ أَتَيۡنَ بِفَٰحِشَةٖ فَعَلَيۡهِنَّ نِصۡفُ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ مِنَ ٱلۡعَذَابِۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ ٱلۡعَنَتَ مِنكُمۡۚ وَأَن تَصۡبِرُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ ﴾
[النِّسَاء: 25]

At kung sinuman sa inyo ang walang kakayahan upang magpakasal sa isang malaya at sumasampalatayang babae, maaari silang magpakasal sa mga babae na angkin ng kanilang kanang kamay (bilang bihag mula sa Jihad [maka-Diyos na pakikidigma]); at si Allah ay may ganap na kaalaman tungkol sa inyong pananampalataya. Kayo ay isa mula sa iba; pakasalan sila sa pahintulot ng nangangalaga sa kanila at ibigay sa kanila ang kanilang Mahr (dote o handog) ng ayon sa kung ano ang katampatan; sila ay marapat na malinis at hindi mahalay (at hindi gumagawa ng bawal na pakikipagtalik) kung sila ay pinakasalan na. Kung sila ay magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng (kaparusahan) ng isang malayang babae (hindi alipin). Ito ay para sa kanya mula sa lipon ninyo na nangangamba sa kasalanan; datapuwa’t ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay magtimpi, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ومن لم يستطع منكم طولا أن ينكح المحصنات المؤمنات فمن ما ملكت, باللغة الفلبينية

﴿ومن لم يستطع منكم طولا أن ينكح المحصنات المؤمنات فمن ما ملكت﴾ [النِّسَاء: 25]

Islam House
Ang sinumang hindi nakaya kabilang sa inyo ng kaparaanan na mag-asawa ng mga malayang babaing mananampalataya ay [mag-asawa] mula sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo kabilang sa mga babaing alipin ninyong mga mananampalataya. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya ninyo. Kayo ay kabilang sa isa’t isa. Kaya mag-asawa kayo sa kanila – ayon sa pahintulot ng mga amo nila at magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila ayon sa makatwiran – na mga pinasasanggalang sa pangangalunya na hindi mga nangangalunya ni mga gumagawa ng mga kalaguyo. Ngunit kapag pinasanggalang sila [sa pag-aasawa] at kung gumawa sila ng isang mahalay ay kailangan sa kanila ang kalahati ng kailangan sa mga babaing malaya mula sa pagdurusa. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa kalunya kabilang sa inyo. Ang magtiis kayo ay higit na mabuti para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek