×

Sila yaong hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at 48:25 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Fath ⮕ (48:25) ayat 25 in Filipino

48:25 Surah Al-Fath ayat 25 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Fath ayat 25 - الفَتح - Page - Juz 26

﴿هُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡهَدۡيَ مَعۡكُوفًا أَن يَبۡلُغَ مَحِلَّهُۥۚ وَلَوۡلَا رِجَالٞ مُّؤۡمِنُونَ وَنِسَآءٞ مُّؤۡمِنَٰتٞ لَّمۡ تَعۡلَمُوهُمۡ أَن تَطَـُٔوهُمۡ فَتُصِيبَكُم مِّنۡهُم مَّعَرَّةُۢ بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ لِّيُدۡخِلَ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۚ لَوۡ تَزَيَّلُواْ لَعَذَّبۡنَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا ﴾
[الفَتح: 25]

Sila yaong hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at humahadlang sa inyo sa Masjid- ul-Haram (ang Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah), at gayundin naman sa inyong pangsakripisyong alay na hayop na kanilang ikinulong upang ito ay hindi makaabot sa pook na pag-aalayan ng inyong sakripisyo. Kung hindi lamang sana sa mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae na hindi ninyo nakikilala na maaari ninyong mapatay, at dahil dito, ito ay magiging sanhi upang kayo ay makagawa ng pagkakasala (na hindi ninyo nababatid, [si Allah sana ay magpapahintulot sa inyo na sila ay inyong lusubin, datapuwa’t pinigilan Niya ang inyong mga kamay]), upang Kanyang tanggapin sa Kanyang Habag ang sinumang Kanyang maibigan. Kung sila lamang ay magkalayo (hindi magkalapit ang mga sumasampalataya at mga hindi sumasampalataya), katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon ay Aming pinarusahan ng kasakit-sakit na kaparusahan

❮ Previous Next ❯

ترجمة: هم الذين كفروا وصدوكم عن المسجد الحرام والهدي معكوفا أن يبلغ محله, باللغة الفلبينية

﴿هم الذين كفروا وصدوكم عن المسجد الحرام والهدي معكوفا أن يبلغ محله﴾ [الفَتح: 25]

Islam House
Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila – na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman – [pinahintulutan sana kayong pumasok sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh sa awa Niya ng sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek