﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن ذَكَرٖ وَأُنثَىٰ وَجَعَلۡنَٰكُمۡ شُعُوبٗا وَقَبَآئِلَ لِتَعَارَفُوٓاْۚ إِنَّ أَكۡرَمَكُمۡ عِندَ ٱللَّهِ أَتۡقَىٰكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٞ ﴾
[الحُجُرَات: 13]
o sangkatauhan! Aming nilikha kayo mula sa isang pares ng lalaki at babae, at Aming ginawa kayo sa maraming bansa [pamayanan] at mga tribo upang mangakilala ninyo ang isa’t isa (hindi upang kasuklaman ninyo ang isa’t isa). Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ni Allah ay (yaong sumasampalataya) na may At-Taqwa (siya na pinakamatuwid sa kabutihan, isa sa Muttaqun, alalaong baga, mga matimtiman at mabuting tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos). Katotohanang si Allah ay Tigib ng Kaalaman at Lubos na Nakakabatid ng lahat ng bagay
ترجمة: ياأيها الناس إنا خلقناكم من ذكر وأنثى وجعلناكم شعوبا وقبائل لتعارفوا إن, باللغة الفلبينية
﴿ياأيها الناس إنا خلقناكم من ذكر وأنثى وجعلناكم شعوبا وقبائل لتعارفوا إن﴾ [الحُجُرَات: 13]
Islam House O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid |