﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَيۡكُمۡ أَنفُسَكُمۡۖ لَا يَضُرُّكُم مَّن ضَلَّ إِذَا ٱهۡتَدَيۡتُمۡۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴾
[المَائدة: 105]
o kayong nagsisisampalataya! Pangalagaan ninyo ang inyong sarili (gumawa ng kabutihan, pangambahan si Allah [umiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal]) at lubos ninyong mahalin si Allah (gumawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos). Kung kayo ay susunod sa tamang patnubay at magsasagawa kung ano ang tama (pagsamba sa Kaisahan ni Allah at pagtalima sa pag-uutos ng Islam) at magbabawal kung ano ang mali (pagsamba sa diyus-diyosan, kawalan ng pananalig at pagsunod sa mga ipinagbabawal sa Islam), walang anumang kapinsalaan ang daratal sa inyo mula sa kanila na nasa kamalian. Ang pagbabalik ninyong lahat ay kay Allah, at sa inyo ay ipapaalam Niya ang hinggil sa lahat ninyong ginawa
ترجمة: ياأيها الذين آمنوا عليكم أنفسكم لا يضركم من ضل إذا اهتديتم إلى, باللغة الفلبينية
﴿ياأيها الذين آمنوا عليكم أنفسكم لا يضركم من ضل إذا اهتديتم إلى﴾ [المَائدة: 105]
Islam House O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo. Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo sa kalahatan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa |