Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 95 - المَائدة - Page - Juz 7
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡتُلُواْ ٱلصَّيۡدَ وَأَنتُمۡ حُرُمٞۚ وَمَن قَتَلَهُۥ مِنكُم مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآءٞ مِّثۡلُ مَا قَتَلَ مِنَ ٱلنَّعَمِ يَحۡكُمُ بِهِۦ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ هَدۡيَۢا بَٰلِغَ ٱلۡكَعۡبَةِ أَوۡ كَفَّٰرَةٞ طَعَامُ مَسَٰكِينَ أَوۡ عَدۡلُ ذَٰلِكَ صِيَامٗا لِّيَذُوقَ وَبَالَ أَمۡرِهِۦۗ عَفَا ٱللَّهُ عَمَّا سَلَفَۚ وَمَنۡ عَادَ فَيَنتَقِمُ ٱللَّهُ مِنۡهُۚ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ ﴾
[المَائدة: 95]
﴿ياأيها الذين آمنوا لا تقتلوا الصيد وأنتم حرم ومن قتله منكم متعمدا﴾ [المَائدة: 95]
Islam House O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop habang kayo ay mga nasa iḥrām. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, may isang ganti, na tulad ng pinatay niya, mula sa mga hayupan, na hahatol dito ang dalawang may katarungan kabilang sa inyo bilang handog na aabot sa Ka`bah; o may isang panakip-sala na pagpapakain ng mga dukha o katumbas niyon na pag-aayuno upang makalasap siya ng kasaklapan ng kalagayan nila. Nagpaumanhin si Allāh sa anumang nagdaan. Ang sinumang nanumbalik ay maghihiganti si Allāh sa kanya. Si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti |