Quran with Filipino translation - Surah Al-An‘am ayat 144 - الأنعَام - Page - Juz 8
﴿وَمِنَ ٱلۡإِبِلِ ٱثۡنَيۡنِ وَمِنَ ٱلۡبَقَرِ ٱثۡنَيۡنِۗ قُلۡ ءَآلذَّكَرَيۡنِ حَرَّمَ أَمِ ٱلۡأُنثَيَيۡنِ أَمَّا ٱشۡتَمَلَتۡ عَلَيۡهِ أَرۡحَامُ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۖ أَمۡ كُنتُمۡ شُهَدَآءَ إِذۡ وَصَّىٰكُمُ ٱللَّهُ بِهَٰذَاۚ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا لِّيُضِلَّ ٱلنَّاسَ بِغَيۡرِ عِلۡمٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ ﴾
[الأنعَام: 144]
﴿ومن الإبل اثنين ومن البقر اثنين قل آلذكرين حرم أم الأنثيين أما﴾ [الأنعَام: 144]
Islam House Mula sa mga kamelyo ay may dalawa at mula sa mga baka ay may dalawa. Sabihin mo: "Sa dalawang lalaki ba ay nagbawal Siya o sa dalawang babae o sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? O kayo ba noon ay mga saksi noong nagtagubilin sa inyo si Allāh nito? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan upang magligaw sa mga tao nang walang kaalaman. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan |