×

Hindi isang katampatan sa mga tao ng Al-Madina at mga bedouin (mga 9:120 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah At-Taubah ⮕ (9:120) ayat 120 in Filipino

9:120 Surah At-Taubah ayat 120 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah At-Taubah ayat 120 - التوبَة - Page - Juz 11

﴿مَا كَانَ لِأَهۡلِ ٱلۡمَدِينَةِ وَمَنۡ حَوۡلَهُم مِّنَ ٱلۡأَعۡرَابِ أَن يَتَخَلَّفُواْ عَن رَّسُولِ ٱللَّهِ وَلَا يَرۡغَبُواْ بِأَنفُسِهِمۡ عَن نَّفۡسِهِۦۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ لَا يُصِيبُهُمۡ ظَمَأٞ وَلَا نَصَبٞ وَلَا مَخۡمَصَةٞ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا يَطَـُٔونَ مَوۡطِئٗا يَغِيظُ ٱلۡكُفَّارَ وَلَا يَنَالُونَ مِنۡ عَدُوّٖ نَّيۡلًا إِلَّا كُتِبَ لَهُم بِهِۦ عَمَلٞ صَٰلِحٌۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ ﴾
[التوبَة: 120]

Hindi isang katampatan sa mga tao ng Al-Madina at mga bedouin (mga taong namumuhay sa disyerto) na mga magkakalapit bahay na mamalagi sa likuran ng Tagapagbalita ni Allah (si Muhammad, kung nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah), na higit na bigyang pansin (pahalagahan) ang kanilang sariling buhay kaysa sa kanya (alalaong baga, sa buhay ng Propeta), sapagkat ang lahat ng kanilang dinaranas na paghihirap o anumang ginagawa, rito ay walang makakaligtaan na hindi nasusulat sa kanilang kapakinabangan bilang isang gawa ng katuwiran, kahima’t sila ay nagdanas ng pagkauhaw, gayundin ng pagkapagal, gayundin ng pagkagutom dahil sa Kapakanan ni Allah, o nanalunton sa mga landas upang papag-initin ang galit ng mga hindi sumasampalataya, o magkamal ng kapakinabangan mula sa kaaway. Katotohanang si Allah ay hindi magpapabaya na mawala ang gantimpala ng Muhsinun (mga tao na lubos na gumagawa ng mabuting gawa para sa Kapakanan ni Allah na walang pagpapakita upang mapansin o mapuri lamang ng iba)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ما كان لأهل المدينة ومن حولهم من الأعراب أن يتخلفوا عن رسول, باللغة الفلبينية

﴿ما كان لأهل المدينة ومن حولهم من الأعراب أن يتخلفوا عن رسول﴾ [التوبَة: 120]

Islam House
Hindi naging ukol sa mga naninirahan sa Madīnah at sinumang nasa palibot nila kabilang sa mga Arabeng disyerto na magpaiwan sila palayo sa Sugo ni Allāh ni magtangi sila sa mga sarili nila kaysa sa sarili niya. Iyon ay dahil sila ay hindi dinadapuan ng isang pagkauhaw ni ng isang pagkapagal ni ng isang pagkagutom dahil sa landas ni Allāh, hindi humahakbang ng isang hakbang na nagpapangitngit sa mga tagatangging sumampalataya, at hindi nagtatamo mula sa kaaway ng isang kapinsalaan malibang may itinala para sa kanila dahil doon na isang gawang maayos. Tunay na si Allāh ay hindi magwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek