﴿ٱلزَّانِي لَا يَنكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوۡ مُشۡرِكَةٗ وَٱلزَّانِيَةُ لَا يَنكِحُهَآ إِلَّا زَانٍ أَوۡ مُشۡرِكٞۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ﴾
[النور: 3]
Ang mangangalunyang lalaki ay hindi nag-aasawa maliban sa isang mangangalunyang babae o Mushrikah at ang mangangalunyang babae ay hindi nag- aasawa ng iba maliban sa mangangalunyang lalaki o Mushrik (ito ay nangangahulugan na kung ang lalaki ay pumayag na mag-asawa o magkaroon ng relasyong seksuwal sa isang Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang puta, kung gayon, katotohanang siya ay mangangalunyang lalaki o Mushrik [lalaking pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]). At ang babae na pumayag na mag-asawa (o magkaroon ng relasyong seksuwal) sa isang Mushrik [pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang mangangalunya, kung gayon, siya ay maaaring isang puta o Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]. Ang gayong bagay ay ipinagbabawal sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
ترجمة: الزاني لا ينكح إلا زانية أو مشركة والزانية لا ينكحها إلا زان, باللغة الفلبينية
﴿الزاني لا ينكح إلا زانية أو مشركة والزانية لا ينكحها إلا زان﴾ [النور: 3]
Islam House Ang lalaking nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang babaing nangangalunya o isang babaing tagapagtambal. Ang babaing nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang lalaking nangangalunya o isang lalaking tagapagtambal. Ipinagbawal iyon sa mga mananampalataya |