﴿ٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ ﴾
[العَنكبُوت: 45]
dalitin mo (o Muhammad) kung anuman ang ipinahayag sa iyo sa Aklat (ang Qur’an) ng inspirasyon, at magsagawa ka ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salah). Katotohanan, ang pagdarasal ay nakapag-aadya at humahadlang sa Al-Fahsha (mga kahiya- hiya at masamang gawa, lahat ng uri ng kasalanan, bawal na seksuwal na pakikipagtalik, atbp.) at Al-Munkar (kawalan ng pananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng kabuktutan at kabuhungan, atbp.), at ang pag- aala-ala (at pagluwalhati) kay Allah ay walang alinlangan na pinakamainam (na bagay sa buhay sa mundong ito). At si Allah ang nakakaalam (sa mga pag-uugali) na inyong ginagawa
ترجمة: اتل ما أوحي إليك من الكتاب وأقم الصلاة إن الصلاة تنهى عن, باللغة الفلبينية
﴿اتل ما أوحي إليك من الكتاب وأقم الصلاة إن الصلاة تنهى عن﴾ [العَنكبُوت: 45]
Islam House Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo |