Quran with Filipino translation - Surah Al-An‘am ayat 93 - الأنعَام - Page - Juz 7
﴿وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ قَالَ أُوحِيَ إِلَيَّ وَلَمۡ يُوحَ إِلَيۡهِ شَيۡءٞ وَمَن قَالَ سَأُنزِلُ مِثۡلَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُۗ وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي غَمَرَٰتِ ٱلۡمَوۡتِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَاسِطُوٓاْ أَيۡدِيهِمۡ أَخۡرِجُوٓاْ أَنفُسَكُمُۖ ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ وَكُنتُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِهِۦ تَسۡتَكۡبِرُونَ ﴾
[الأنعَام: 93]
﴿ومن أظلم ممن افترى على الله كذبا أو قال أوحي إلي ولم﴾ [الأنعَام: 93]
Islam House Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagsabi: "Nagkasi sa akin" samantalang hindi nagkasi sa kanya ng anuman, at sinumang nagsabi: "Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh." Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila [na nagsasabi]: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo! Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng hindi totoo at kayo noon sa mga tanda Niya ay nagmamalaki |