×

O Propeta! Kung kayo ay magdidiborsyo ng mga babae, inyong diborsyuhin sila 65:1 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah AT-Talaq ⮕ (65:1) ayat 1 in Filipino

65:1 Surah AT-Talaq ayat 1 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah AT-Talaq ayat 1 - الطَّلَاق - Page - Juz 28

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحۡصُواْ ٱلۡعِدَّةَۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ رَبَّكُمۡۖ لَا تُخۡرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخۡرُجۡنَ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ لَا تَدۡرِي لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحۡدِثُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ أَمۡرٗا ﴾
[الطَّلَاق: 1]

O Propeta! Kung kayo ay magdidiborsyo ng mga babae, inyong diborsyuhin sila sa kanilang Iddah (natatakdaang panahon), at inyong bilangin ng buong katumpakan ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon), at inyong pangambahan (o mga Muslim) si Allah na inyong Panginoon, at sila ay huwag ninyong itaboy sa kani-kanilang tahanan, at huwag din naman na hayaang sila ay umalis, maliban na lamang kung sila ay nagkakasala ng lantad na kalaswaan (bawal na pakikipagtalik). At ito ang mga hangganan na itinakda ni Allah at sinuman ang lumabag sa mga hangganan ni Allah ay katotohanang nagpahamak ng kanyang sariling kaluluwa. Kayo (na nagdiborsyo ng kanyang asawa) ay hindi nakakabatid na maaaring si Allah, makaraan ito, ay magkaloob ng bagong bagay na mangyayari (alalaong baga, ang ibalik siyang muli [asawa] sa inyo kung ito ang una at pangalawang pagdidiborsyo

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ياأيها النبي إذا طلقتم النساء فطلقوهن لعدتهن وأحصوا العدة واتقوا الله ربكم, باللغة الفلبينية

﴿ياأيها النبي إذا طلقتم النساء فطلقوهن لعدتهن وأحصوا العدة واتقوا الله ربكم﴾ [الطَّلَاق: 1]

Islam House
O Propeta, kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, magbilang kayo ng panahon ng paghihintay, at mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalayas sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lalayas malibang nakagawa sila ng isang mahalay na malinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi mo nababatid marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek