×

Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa huling katuparan ng gayong pangyayari? Sa Araw 7:53 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-A‘raf ⮕ (7:53) ayat 53 in Filipino

7:53 Surah Al-A‘raf ayat 53 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-A‘raf ayat 53 - الأعرَاف - Page - Juz 8

﴿هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا تَأۡوِيلَهُۥۚ يَوۡمَ يَأۡتِي تَأۡوِيلُهُۥ يَقُولُ ٱلَّذِينَ نَسُوهُ مِن قَبۡلُ قَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُ رَبِّنَا بِٱلۡحَقِّ فَهَل لَّنَا مِن شُفَعَآءَ فَيَشۡفَعُواْ لَنَآ أَوۡ نُرَدُّ فَنَعۡمَلَ غَيۡرَ ٱلَّذِي كُنَّا نَعۡمَلُۚ قَدۡ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ ﴾
[الأعرَاف: 53]

Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa huling katuparan ng gayong pangyayari? Sa Araw na ang pangyayari ay ganap nang natupad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), sila na nagpabaya rito noon ay magsasabi: “Tunay nga, ang mga Tagapagbalita ng aming Panginoon ay dumatal na may Katotohanan, ngayon, mayroon pa bang mga tagapamagitan sa amin upang sila ay makapamagitan sa aming kapakanan? o maaari ba na kami ay muling ibalik (sa unang buhay sa mundo) upang kami ay makagawa ng (mabubuting) gawa, maliban pa roon sa (masasamang) gawa na aming ginawa?” Katotohanang ipinariwara nila ang kanilang sarili (alalaong baga, winasak ang kanilang sarili), at ang nakahiratihan na nilang kabulaanan (pagdalangin at pagsamba sa mga iba maliban pa kay Allah, katulad ng mga diyus-diyosan at imahen), ay lumayo na sa kanila

❮ Previous Next ❯

ترجمة: هل ينظرون إلا تأويله يوم يأتي تأويله يقول الذين نسوه من قبل, باللغة الفلبينية

﴿هل ينظرون إلا تأويله يوم يأتي تأويله يقول الذين نسوه من قبل﴾ [الأعرَاف: 53]

Islam House
Naghihintay kaya sila maliban pa ng pagsasakatuparan nito? Sa araw na pupunta ang pagsasakatuparan nito ay magsasabi ang mga lumimot nito bago pa niyan: "Naghatid nga ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan, kaya mayroon ba kaming anumang mga tagapagpamagitan para mamagitan sila para sa amin, o pababalikin kami para gumawa kami ng iba sa dati naming ginagawa?" Nagpalugi nga sila ng mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginawa-gawa
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek