×

Katotohanan! Ang iyong Panginoon ay nakakabatid na ikaw ay nagpupuyat sa pananalangin 73:20 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Muzzammil ⮕ (73:20) ayat 20 in Filipino

73:20 Surah Al-Muzzammil ayat 20 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Muzzammil ayat 20 - المُزمل - Page - Juz 29

﴿۞ إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ ﴾
[المُزمل: 20]

Katotohanan! Ang iyong Panginoon ay nakakabatid na ikaw ay nagpupuyat sa pananalangin (sa kahabaan ng gabi), ng maigsi sa dalawang katlo (2/3) ng gabi, o kalahati (1/2) ng gabi, o isang katlo (1/3) ng gabi, gayundin naman ang isang pangkat na iyong kasama-sama. At si Allah ang nagtalaga (sa inyo) ng Gabi at Araw sa ganap na sukat. Talastas Niya na ikaw ay hindi makakapanalangin sa buong magdamag, kaya’t Siya ay naggawad sa iyo ng Kanyang Habag. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraan na magaan sa iyo. Talastas Niya na mayroong ilan sa inyo ang may sakit, at ang iba naman ay naglalakbay sa kalupaan sa paghahanap ng (saganang) Biyaya ni Allah, at ang iba ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraang magaan sa iyo, at ikaw ay mag-alay ng pang-araw-araw na panalangin (Iqamat-as-Salah) nang mahinusay, at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at magpautang kay Allah ng isang Magandang Pautang (alalaong baga, gumugol sa Kapakanan ni Allah). At anumang mabuting bagay ang inyong ipinadala patungkol sa inyong kaluluwa (mga gawa ng pagsamba tulad ng pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, Hajj, Umra, atbp.) ay katiyakang matatagpuan ninyo ito sa harapan ni Allah. Katotohanan! Ito ay mainam at sagana sa kabayaran ng gantimpala. At inyong paghanapin ang Biyaya (at Pagpapatawad) ni Allah. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lubos na Mahabagin. 920 siyA nA nABABAlutAn

❮ Previous Next ❯

ترجمة: إن ربك يعلم أنك تقوم أدنى من ثلثي الليل ونصفه وثلثه وطائفة, باللغة الفلبينية

﴿إن ربك يعلم أنك تقوم أدنى من ثلثي الليل ونصفه وثلثه وطائفة﴾ [المُزمل: 20]

Islam House
Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng magdamag o kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkat kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] magdamag at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda. Ang anumang ipinauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek