×

سورة المطففين باللغة الفلبينية

ترجمات القرآنباللغة الفلبينية ⬅ سورة المطففين

ترجمة معاني سورة المطففين باللغة الفلبينية - Filipino

القرآن باللغة الفلبينية - سورة المطففين مترجمة إلى اللغة الفلبينية، Surah Mutaffifin in Filipino. نوفر ترجمة دقيقة سورة المطففين باللغة الفلبينية - Filipino, الآيات 36 - رقم السورة 83 - الصفحة 587.

بسم الله الرحمن الرحيم

وَيْلٌ لِّلْمُطَفِّفِينَ (1)
Kasawian sa Al-Mutaffifin (sila na gumagawa ng pandaraya, alalaong baga, ang mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang at nagbabawas sa mga karapatan ng iba)
الَّذِينَ إِذَا اكْتَالُوا عَلَى النَّاسِ يَسْتَوْفُونَ (2)
Sila na kung tatanggap sa mga tao ng may sukat at timbang ay naghahanap ng ganap na sukat at timbang
وَإِذَا كَالُوهُمْ أَو وَّزَنُوهُمْ يُخْسِرُونَ (3)
Datapuwa’t kung sila ang magbibigay sa mga tao ng may sukat at timbang ay nagbibigay ng kulang
أَلَا يَظُنُّ أُولَٰئِكَ أَنَّهُم مَّبْعُوثُونَ (4)
Hindi baga nila napag-aakala na sila ay ibabangong muli upang tawagin sa Pagsusulit
لِيَوْمٍ عَظِيمٍ (5)
Sa dakilang Araw
يَوْمَ يَقُومُ النَّاسُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ (6)
Sa Araw na yaon, ang buong sangkatauhan ay titindig sa harapan ng 946 Panginoon ng lahat ng mga nilalang
كَلَّا إِنَّ كِتَابَ الْفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٍ (7)
Katotohanan! Ang Talaan (na kinapapalooban ng mga gawa) ng Fujjar (mga tampalasan, makasalanan, walang pananampalataya, mapaggawa ng kamalian) ay nakatago sa Sijjin
وَمَا أَدْرَاكَ مَا سِجِّينٌ (8)
Tunay nga, ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang kahulugan ng Sijjin
كِتَابٌ مَّرْقُومٌ (9)
Isang nasusulat na Talaan
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (10)
Kasawian sa Araw na yaon sa mga nagtatatwa (kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Tagagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Al-Qadar [maka- Diyos na Pagtatakda)
الَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوْمِ الدِّينِ (11)
Sa mga nagtatakwil sa Araw ng Kabayaran
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِ إِلَّا كُلُّ مُعْتَدٍ أَثِيمٍ (12)
At walang sinuman ang makakapagtakwil doon maliban sa mga makasalanan na lumalabag ng labis sa hangganan (ng kawalang pananampalataya, pang-aapi at pagsuway kay Allah), mga Makasalanan
إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا قَالَ أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ (13)
Na kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinahahayag sa kanya, siya ay nagsasabi: “ Mga kathang isip lamang ng panahong lumipas!”
كَلَّا ۖ بَلْ ۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُوا يَكْسِبُونَ (14)
Tunay nga! Ang kanilang puso ay may batik (nababahiran at nalalambungan ng mantsa dahil sa mga kasalanan at masasamang gawa) ng kanilang ginawa
كَلَّا إِنَّهُمْ عَن رَّبِّهِمْ يَوْمَئِذٍ لَّمَحْجُوبُونَ (15)
Katotohanan, sa Araw na yaon, ang Habag ng kanilang Panginoon ay ipagkakait sa kanila (ang mga makasalanan ay malalambungan upang hindi nila mamalas ang kanilang Panginoon)
ثُمَّ إِنَّهُمْ لَصَالُو الْجَحِيمِ (16)
Tunay nga! Katotohanang sila ay papasok sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno
ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا الَّذِي كُنتُم بِهِ تُكَذِّبُونَ (17)
At sa kanila ay ipagbabadya: “Ito ang kaganapan (at katotohanan) ng inyong tinalikdan (at tinalikuran)
كَلَّا إِنَّ كِتَابَ الْأَبْرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ (18)
Katotohanan, ang Talaan ng mga matutuwid (at may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan) ay nakatago sa Illiyyun
وَمَا أَدْرَاكَ مَا عِلِّيُّونَ (19)
Tunay nga, ano nga ba ang kahulugan na ipinapahiwatig ng Illiyyun
كِتَابٌ مَّرْقُومٌ (20)
Isang nasusulat na Talaan
يَشْهَدُهُ الْمُقَرَّبُونَ (21)
Na rito ay sumasaksi at nagpapatotoo ang mga pinakamalapit (kay Allah, alalaong baga, ang mga anghel)
إِنَّ الْأَبْرَارَ لَفِي نَعِيمٍ (22)
Katotohanan, ang mga matutuwid na may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan ay mapapasa- Kaligayahan (sa Paraiso)
عَلَى الْأَرَائِكِ يَنظُرُونَ (23)
Sa Luklukan (ng karangalan), at napagmamalas nila ang lahat ng bagay
تَعْرِفُ فِي وُجُوهِهِمْ نَضْرَةَ النَّعِيمِ (24)
At mababanaag mo sa kanilang mukha ang kislap ng Kaligayahan
يُسْقَوْنَ مِن رَّحِيقٍ مَّخْتُومٍ (25)
Ang kanilang pagkauhaw ay papawiin ng purong alak na natatakpan pa ang sisidlan
خِتَامُهُ مِسْكٌ ۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلْيَتَنَافَسِ الْمُتَنَافِسُونَ (26)
At ang huling (tungga) nito (alak) ay katulad ng halimuyak ng musko. At dahil dito, hayaan ang mga nagsisikap na may paghahangad sa kanilang kaligayahan (alalaong baga, ang magmadali sa pagsisigasig sa pagsunod kay Allah)
وَمِزَاجُهُ مِن تَسْنِيمٍ (27)
At sa (alak) ay idaragdag pa ang sangkap ng Tasnim
عَيْنًا يَشْرَبُ بِهَا الْمُقَرَّبُونَ (28)
Isang batis, na sa tubig nito ay nagsisiinom ang malalapit kay Allah
إِنَّ الَّذِينَ أَجْرَمُوا كَانُوا مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا يَضْحَكُونَ (29)
Katotohanan! (Sa panahon ng makamundong buhay) ang mga mapaggawa ng katampalasanan ay lagi nang nanglilibak sa mga nananampalataya
وَإِذَا مَرُّوا بِهِمْ يَتَغَامَزُونَ (30)
At kailanman na sila ay dumaraan sa kanila, (sila ay) nagkikindatan sa isa’t isa (bilang panunuya)
وَإِذَا انقَلَبُوا إِلَىٰ أَهْلِهِمُ انقَلَبُوا فَكِهِينَ (31)
At kung sila ay magbalik na sa kanilang pamayanan, sila ay bumabalik ng may pagsasaya
وَإِذَا رَأَوْهُمْ قَالُوا إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَضَالُّونَ (32)
At kailanman na kanilang nakikita sila; sila (na hindi sumasampalataya) ay nagsasabi: “Tunay nga! Sila ang mga tao na napaligaw!”
وَمَا أُرْسِلُوا عَلَيْهِمْ حَافِظِينَ (33)
Datapuwa’t sila (mga hindi sumasampalataya at tampalasan) ay hindi isinugo bilang tagapagbantay sa kanila (mga sumasampalataya)
فَالْيَوْمَ الَّذِينَ آمَنُوا مِنَ الْكُفَّارِ يَضْحَكُونَ (34)
Ngunit sa Araw na ito (ang Araw ng Kabayaran), ang mga sumasampalataya ay hahalakhak sa mga hindi sumasampalataya
عَلَى الْأَرَائِكِ يَنظُرُونَ (35)
Sa luklukan (ng karangalan) ay napagmamalas nila ang lahat ng bagay
هَلْ ثُوِّبَ الْكُفَّارُ مَا كَانُوا يَفْعَلُونَ (36)
Hindibagaangmgahindisumasampalatayaayginantihan (nang ganap) dahil sa kanilang ginawa
❮ السورة السابقة السورة التـالية ❯

قراءة المزيد من سور القرآن الكريم :

1- الفاتحة2- البقرة3- آل عمران
4- النساء5- المائدة6- الأنعام
7- الأعراف8- الأنفال9- التوبة
10- يونس11- هود12- يوسف
13- الرعد14- إبراهيم15- الحجر
16- النحل17- الإسراء18- الكهف
19- مريم20- طه21- الأنبياء
22- الحج23- المؤمنون24- النور
25- الفرقان26- الشعراء27- النمل
28- القصص29- العنكبوت30- الروم
31- لقمان32- السجدة33- الأحزاب
34- سبأ35- فاطر36- يس
37- الصافات38- ص39- الزمر
40- غافر41- فصلت42- الشورى
43- الزخرف44- الدخان45- الجاثية
46- الأحقاف47- محمد48- الفتح
49- الحجرات50- ق51- الذاريات
52- الطور53- النجم54- القمر
55- الرحمن56- الواقعة57- الحديد
58- المجادلة59- الحشر60- الممتحنة
61- الصف62- الجمعة63- المنافقون
64- التغابن65- الطلاق66- التحريم
67- الملك68- القلم69- الحاقة
70- المعارج71- نوح72- الجن
73- المزمل74- المدثر75- القيامة
76- الإنسان77- المرسلات78- النبأ
79- النازعات80- عبس81- التكوير
82- الإنفطار83- المطففين84- الانشقاق
85- البروج86- الطارق87- الأعلى
88- الغاشية89- الفجر90- البلد
91- الشمس92- الليل93- الضحى
94- الشرح95- التين96- العلق
97- القدر98- البينة99- الزلزلة
100- العاديات101- القارعة102- التكاثر
103- العصر104- الهمزة105- الفيل
106- قريش107- الماعون108- الكوثر
109- الكافرون110- النصر111- المسد
112- الإخلاص113- الفلق114- الناس