×

سورة المرسلات باللغة الفلبينية

ترجمات القرآنباللغة الفلبينية ⬅ سورة المرسلات

ترجمة معاني سورة المرسلات باللغة الفلبينية - Filipino

القرآن باللغة الفلبينية - سورة المرسلات مترجمة إلى اللغة الفلبينية، Surah Mursalat in Filipino. نوفر ترجمة دقيقة سورة المرسلات باللغة الفلبينية - Filipino, الآيات 50 - رقم السورة 77 - الصفحة 580.

بسم الله الرحمن الرحيم

وَالْمُرْسَلَاتِ عُرْفًا (1)
Sa pamamagitan ng hangin (o mga anghel o mga Tagapagbalita ni Allah), na isinugo nang magkakasunod (sa kapakinabangan ng tao)
فَالْعَاصِفَاتِ عَصْفًا (2)
At sa pamamagitan ng hangin na marahas na umiihip
وَالنَّاشِرَاتِ نَشْرًا (3)
At sa pamamagitan ng hangin na nagsisipangalat ng mga ulap at ulan (na malayo at malawak)
فَالْفَارِقَاتِ فَرْقًا (4)
At sa pamamagitan ng mga Talata (ng Qur’an) na nagbubukod (sa wasto at mali)
فَالْمُلْقِيَاتِ ذِكْرًا (5)
At sa pamamagitan ng mga anghel na nagdadala ng mga kapahayagan sa mga Tagapagbalita
عُذْرًا أَوْ نُذْرًا (6)
Upang maputol ang lahat ng mga dahilan (at pag-iwas) at upang magbabala
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَاقِعٌ (7)
Katotohanan! Ang ipinangako sa inyo ay walang pagsalang daratal
فَإِذَا النُّجُومُ طُمِسَتْ (8)
At kung ang mga bituin ay mawalan ng liwanag
وَإِذَا السَّمَاءُ فُرِجَتْ (9)
At kung ang kalangitan ay mahati (at mapunit)
وَإِذَا الْجِبَالُ نُسِفَتْ (10)
At kung ang kabundukan ay malansag ng hangin at maging alabok
وَإِذَا الرُّسُلُ أُقِّتَتْ (11)
At kung ang lahat ng mga Tagapagbalita ay tipunin sa takdang oras
لِأَيِّ يَوْمٍ أُجِّلَتْ (12)
Sa ano bang Araw ang mga Palatandaang ito ay ibinimbin
لِيَوْمِ الْفَصْلِ (13)
Sa Araw ng Pagbubukod-bukod (sa mga tao na nakatalaga sa Paraiso at sa mga tao na nakatalaga sa Impiyerno)
وَمَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الْفَصْلِ (14)
Ano nga ba ang magpapaliwanag sa iyo kung ano ang Araw ng Pagbubukod-bukod
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (15)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
أَلَمْ نُهْلِكِ الْأَوَّلِينَ (16)
Hindi baga Namin winasak ang mga tao nang panahong sinauna (dahilan sa kanilang kasamaan)
ثُمَّ نُتْبِعُهُمُ الْآخِرِينَ (17)
At hahayaan ba Namin na ang mga nahuhuling lahi ay matulad sa kanila
كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِينَ (18)
Kaya’t sa ganito Namin pinakikitunguhan ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus- diyosan, kriminal, atbp)
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (19)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
أَلَمْ نَخْلُقكُّم مِّن مَّاءٍ مَّهِينٍ (20)
Hindi baga kayo ay nilikha Namin mula sa katas na walang halaga (walang saysay)
فَجَعَلْنَاهُ فِي قَرَارٍ مَّكِينٍ (21)
At inilagay Namin ito sa ligtas na sisidlan (ng pagkabuhay sa sinapupunan ng ina)
إِلَىٰ قَدَرٍ مَّعْلُومٍ (22)
Sa natatakdaang panahon (ng paglaki ayon sa bilang ng buwan ng pagbubuntis)
فَقَدَرْنَا فَنِعْمَ الْقَادِرُونَ (23)
At Kami ang nag-ayos ng ganap na sukat. At Kami ang ganap na sakdal sa pagsasaayos (at pagsukat)
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (24)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
أَلَمْ نَجْعَلِ الْأَرْضَ كِفَاتًا (25)
Hindi baga Namin nilikha ang kalupaan bilang lugar ng pagtitipon (at himlayan)
أَحْيَاءً وَأَمْوَاتًا (26)
Na kapwa para sa (mga) buhay at patay
وَجَعَلْنَا فِيهَا رَوَاسِيَ شَامِخَاتٍ وَأَسْقَيْنَاكُم مَّاءً فُرَاتًا (27)
At nagtatag dito ng kabundukan na mataas at matibay at naggawad sa inyo (mula sa kalupaan) ng malinamnam na tubig
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (28)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
انطَلِقُوا إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِ تُكَذِّبُونَ (29)
(Atsakanilanahindisumasampalatayaayipagbabadya): “Magsiparoon kayo (sa kaparusahan) na inyong itinatatwa
انطَلِقُوا إِلَىٰ ظِلٍّ ذِي ثَلَاثِ شُعَبٍ (30)
Magsiparoon kayo sa Lilim ( ng tumataas na usok ng Impiyerno) sa tatlong hanay
لَّا ظَلِيلٍ وَلَا يُغْنِي مِنَ اللَّهَبِ (31)
(Na hindi makakapagbigay) sa inyo ng lilim ng kaginhawahan, gayundin ng pananggalang sa Naglalagablab na Apoy.”
إِنَّهَا تَرْمِي بِشَرَرٍ كَالْقَصْرِ (32)
Katotohanan! Ito (Impiyerno) ay naghahagis ng tilamsik (ng apoy) na (kasinglaki) ng Al Qasr (malaking pintuan o mahabang troso ng palasyo)
كَأَنَّهُ جِمَالَتٌ صُفْرٌ (33)
Na wari bang Jimalatun Sufr (pangkat ng kamelyong dilaw na pumapadyak nang mabilis).”
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (34)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
هَٰذَا يَوْمُ لَا يَنطِقُونَ (35)
Ito ang Araw na hindi nila magagawang mangusap
وَلَا يُؤْذَنُ لَهُمْ فَيَعْتَذِرُونَ (36)
At sila ay hindi bibigyan (ng pagkakataon) upang dinggin ang kanilang pagsusumamo
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (37)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
هَٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ ۖ جَمَعْنَاكُمْ وَالْأَوَّلِينَ (38)
Ito ang Araw ng Kapasiyahan (sa katarungan)! Kayo ay Aming titipunin nang sama-sama, gayundin ang inyong mga ninuno
فَإِن كَانَ لَكُمْ كَيْدٌ فَكِيدُونِ (39)
Ngayon, kung kayo ay may pakana (balak), inyong gamitin ito laban sa Akin
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (40)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي ظِلَالٍ وَعُيُونٍ (41)
At katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid na tao na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at may pangangamba sa Kanya, at umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah), sila ay mananahan sa gitna (ng lamig) ng mga lilim at mga bukal (ng tubig)
وَفَوَاكِهَ مِمَّا يَشْتَهُونَ (42)
At mga hitik na bungangkahoy, lahat ng inyong maiibigan
كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ (43)
(At sa kanila ay ipagbabadya): “Halina kayo na mapapalad, kayo ay magsikain at uminom bilang kabayaran sa inyong pinagsumikapan (na kabutihan).”
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ (44)
Katotohanang sa ganito Namin ginagantihan (ng biyaya) ang Muhsinun (mga matutuwid na tao na mapaggawa ng kabutihan)
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (45)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
كُلُوا وَتَمَتَّعُوا قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجْرِمُونَ (46)
(o kayong hindi sumasampalataya)! Magsikain kayo at magpakaligaya sa inyong sarili sa ilang sandali (sa buhay sa mundong ito). Katotohanang kayo ay Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp)
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (47)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ارْكَعُوا لَا يَرْكَعُونَ (48)
At kung sa kanila ay ipinagtuturing: “Magpatirapa kayo (sa pananalangin)!” Sila ay hindi nagpapatirapa (sa pag-aalay ng kanilang mga dasal)
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ (49)
Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ (50)
Sa gayon, sa ano pa kayang Pahayag (ang Qur’an), ang kanilang pananampalatayanan pagkaraan nito
❮ السورة السابقة السورة التـالية ❯

قراءة المزيد من سور القرآن الكريم :

1- الفاتحة2- البقرة3- آل عمران
4- النساء5- المائدة6- الأنعام
7- الأعراف8- الأنفال9- التوبة
10- يونس11- هود12- يوسف
13- الرعد14- إبراهيم15- الحجر
16- النحل17- الإسراء18- الكهف
19- مريم20- طه21- الأنبياء
22- الحج23- المؤمنون24- النور
25- الفرقان26- الشعراء27- النمل
28- القصص29- العنكبوت30- الروم
31- لقمان32- السجدة33- الأحزاب
34- سبأ35- فاطر36- يس
37- الصافات38- ص39- الزمر
40- غافر41- فصلت42- الشورى
43- الزخرف44- الدخان45- الجاثية
46- الأحقاف47- محمد48- الفتح
49- الحجرات50- ق51- الذاريات
52- الطور53- النجم54- القمر
55- الرحمن56- الواقعة57- الحديد
58- المجادلة59- الحشر60- الممتحنة
61- الصف62- الجمعة63- المنافقون
64- التغابن65- الطلاق66- التحريم
67- الملك68- القلم69- الحاقة
70- المعارج71- نوح72- الجن
73- المزمل74- المدثر75- القيامة
76- الإنسان77- المرسلات78- النبأ
79- النازعات80- عبس81- التكوير
82- الإنفطار83- المطففين84- الانشقاق
85- البروج86- الطارق87- الأعلى
88- الغاشية89- الفجر90- البلد
91- الشمس92- الليل93- الضحى
94- الشرح95- التين96- العلق
97- القدر98- البينة99- الزلزلة
100- العاديات101- القارعة102- التكاثر
103- العصر104- الهمزة105- الفيل
106- قريش107- الماعون108- الكوثر
109- الكافرون110- النصر111- المسد
112- الإخلاص113- الفلق114- الناس