سَبِّحِ اسْمَ رَبِّكَ الْأَعْلَى (1) Luwalhatiin ang Pangalan ng iyong Tagapagtangkilik na Panginoon, ang Kataas-taasan |
الَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ (2) Na Siyang lumikha (ng lahat ng bagay) at nagbigay ng anyo at kaayusan |
وَالَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ (3) Na nagtakda ng Ganap na Sukat (kahihinatnan ng lahat at bawat isa maging sa kabutihan o kasamaan) at nagbigay ng Patnubay (nagturo sa sangkatauhan ng Tumpak at Maling Landas) |
وَالَّذِي أَخْرَجَ الْمَرْعَىٰ (4) At nagpatubo ng mga luntiang halamanan at pastulan |
فَجَعَلَهُ غُثَاءً أَحْوَىٰ (5) At muli ay ginawa, (at Kanyang) ginawa ito na dayami (at bagaso) |
سَنُقْرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰ (6) Sa sunod-sunod na antas ay ipahahayag Namin sa iyo (o Muhammad) ang Mensahe (ang Qur’an) upang hindi mo malimutan |
إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ وَمَا يَخْفَىٰ (7) Maliban sa anumang pahintulutan ni Allah. Talastas Niya ang nakalantad at nalilihim |
وَنُيَسِّرُكَ لِلْيُسْرَىٰ (8) At gagawin Naming magaan ito sa iyo (O Muhammad) upang masunod mo ang Landas (sa paggawa ng mga kabutihan) |
فَذَكِّرْ إِن نَّفَعَتِ الذِّكْرَىٰ (9) Kaya’t paalalahanan mo (ang mga tao) kung ang pagpapaala-ala ay magbibigay kapakinabangan (sa mga makikinig) |
سَيَذَّكَّرُ مَن يَخْشَىٰ (10) Ang panawagan at paala-ala ay diringgin niya na may pangangamba (kay Allah) |
وَيَتَجَنَّبُهَا الْأَشْقَى (11) Datapuwa’t ito ay itatakwil ng mga masasawing palad (sa kaparusahan) |
الَّذِي يَصْلَى النَّارَ الْكُبْرَىٰ (12) Na mahuhulog sa Nag-aalimpuyong Apoy at lalasap ng kanyang paglalagablab |
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحْيَىٰ (13) dito, siya ay hindi mamamatay (upang maginhawahan), o mabubuhay (sa mabuting kalagayan) |
قَدْ أَفْلَحَ مَن تَزَكَّىٰ (14) Katiyakan, ang magtatamo 954 ng tagumpay ay siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili (sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus- diyosan at pagtanggap sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) |
وَذَكَرَ اسْمَ رَبِّهِ فَصَلَّىٰ (15) At lumuluwalhati sa Pangalan ng kanyang Tagapagtangkilik na Panginoon (sumasamba lamang kay Allah at wala ng iba), at bukas ang puso sa pananalangin (alalaong baga, ang limang takdang panalangin sa maghapon bukod pa ang mga dasal na ipinagtatagubilin) |
بَلْ تُؤْثِرُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا (16) Datapuwa’t minahalaga ninyo ang buhay sa mundong ito na hindi magtatagal |
وَالْآخِرَةُ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ (17) Bagama’t ang Kabilang Buhay ay higit na mainam at mananatili |
إِنَّ هَٰذَا لَفِي الصُّحُفِ الْأُولَىٰ (18) Katotohanang ito ay nasa mga Aklat ng unang kasulatan |
صُحُفِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ (19) Sa mga Kasulatan ni Abraham at Moises |